BATANGAS – Kinasuhan ng pulisya ang tatlong suspek sa pamamaril at pagpatay sa isang head teacher kamakailan sa Rosario, Batangas.

Bukod sa nakuhang imahe sa CCTV, nakilala ng isang saksi ang isa sa mga suspek na si Ronald Gonzales, taga-Tiaong Quezon, habang kinikilala pa ang dalawang kasamahan nito.

Kinasuhan ang tatlo ng murder sa Provincial Prosecutor’s Office at inilabas ng pulisya ang computerized facial composite ng mga suspek.

Binaril at napatay noong Nobyembre 27 ang 48-anyos na si Macario Perez habang nag-aabang ng bus sa tapat ng Rosario Central School kung saan siya dumalo sa isang seminar. Si Perez ay head teacher ng Munting Tubig Elementary School at residente ng Barangay Coliat sa Ibaan, Batangas.
National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20