Maagang Kapaskuhan ang iniregalo ng Alliance of Boxing Association in the Philippines (ABAP) sa kanilang mga boksingero sa pagsasagawa nito sa 2014 ABAP Roll of Achievers bago inihayag ang bakasyon sa PSC Athletes Center sa Vito Cruz, Manila.

Sinabi ni ABAP Executive Director Ed Picson na magbabalik sa Enero 5 ang lahat ng mga boksingero at coaches matapos bigyan ng karampatang bakasyon para makapagpahinga mula sa isang buong taon na pagsabak sa iba’tibang torneo at paglahok sa malalaking kompetisyon.

“Bawal lang na babalik sa training na overweight,” pagbibiro ni Picson. “We are already preparing for the Singapore Southeast Asian Games which is barely six months pagbalik nila so sana huwag silang kumain ng kumain ng sobra sa darating na kapaskuhan,” sabi pa nito.

Pinarangalan naman ng ABAP ang lahat ng mga boksingero nito na nagkamit ng karangalan sa iba’t ibang torneo gayundin ang mga opisyales at referee-judges na napaunlad ang kanilang mga kakayahan sa disiplina.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Una sa ginawaran ng pagkilala sina Joel Bacho at James Palicte na nag-uwi ng pilak at si Jade Bornea na may tanso sa paglahok sa Agong Cup sa Malaysia

noong Marso 7-14.

Sumunod sina Mario Fernandez (gold), Ian Clark Bautista at Nesthy Petecio (silver), Eumir Marcial at Rogen Ladon (bronze) sa ginanap na Lion’s Cup sa Colombo, Sri Lanka noong Abril 28-Mayo 2.

Ginawaran din sina Rey Saludar at Charly Suarez na kapwa may pilak sa President’s Cup sa Almaty, Kazakstan noong Hulyo 1-7 gayundin si Ian Clark Bautisa na may ginto sa China Open sa Guiyang, China noong Hulyo 13-20.

May pilak din si Suarez at tanso sina Mark Anthony Barriga, Mario Fernandez at Wilfred Lopez sa ginanap na Asian Games sa Incheon, Korea noong Setyembre 23 hanggang Oktubre 3.

Kinilala rin ang panalo ni Petecio sa pag-uwi ng pilak sa AIBA Women’s World Championships sa Jeju Island sa Korea nito lamang Nobyembre 15-25.

Samantala, umangat ang ranggo ni Philippine national team head coach Patricio Gaspi matapos itong makapasa sa pagsusulit tungo sa pagiging 3-star coach at magkuwalipika sa pag-coach nito sa AIBA Open Boxing, World Series of Boxing at AIBA Professional Boxing.

Umangat naman bilang AIBA Tournament Supervisor si Korina Picson habang naging AIBA 3-star judge-referee sina Mark Abalos at Cildo Evasco.