ISANG bagong aklat na may pamagat na “Mother Mary: Patroness of Philippine History,” ay inilunsad kamakailan sa Parish Center ng St. Alphonsus Mary de Liguori Parish, sa Magallanes Village, Makati City. isinulat nina Fr. John D. Macalisang at Fr. Jose Maria de Nazareno, ang 213 pahinang akltat ay naglalaman ng mga pundamental ng Marian spirituality ng mga Pilipino. Ido-donate ng mga mayakda ang kanilang royalties para sa aklat sa scholarship fund ng St. Alphonsus Mary de Liguori Parish para sa maralita ngunit karapat-dapat sa kabataan ng parokya.

Si Fr. Macalisang ay mula sa diocese of Digos, Davao. Taglay niya ang isang Licentiate in Moral Theology mula Academia Alfonsiana, Superior institute of Moral Theology, Pontifical Lateran University, Rome (magna cum laude), at isang doctorate in Theology, Master of Arts in Theology, Master of Arts in Pastoral Ministry, at Mastery in Religious Education. Siya rin ang Professor of Moral Theology, Bioethics and Social Ethics sa Regional Major Seminary, Ateneo de davao University, Davao Medical School Foundation at Holy Cross College of Davao; Dean of Studies of the Regional Major Seminary sa Davao City; at Vicar General of diocese of digos mula 2003 hanggang 2008. Taglay din niya ang ranggong Lieutenant Colonel sa AFP Reserve Force. Umanib siya sa neo Catechumenal Way Missionary Team of Catechists para sa Central Luzon.

Si Fr. Jose Maria De Nazareno ay mula sa Archdiocese of Manila. Taglaty niya ang isang Licentiate in Sacred Theology at Master’s degree in Oriental Religions and Cultures (magna cum laude) mula sa University of Sto. Tomas; at isang Doctorate in Philippine Studies from the University of the Philippines. Noong estudyante pa siya sa UST, naglingkod siya bilang editor-in-chief ng UST Journal of Theology; inter nos; at Benavides; Witness Section editor ng UST Varsitarian. isinulat din niya ang Happy Life of Sin (biography ni Cardinal Sin, 2002); Frederick Kriekenbeek at God’s Beck and Call (Manila: St Paul Philippines 2010); Sick Situations and Pastoral Heart (Manila: St Paul Philippines 2012) na nagwagi ng Cardinal Sin Catholic Book Award 2013 bilang best book sa ministry category; at From noon to Sunset (Manila: St Paul Philippines, 2013). Tumanggap si Fr. Sid ng inter nos Lifetime Achievement Award noong 2010 mula UST sa selebrasyon ng ikaapat na sentenaryo nito.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho