LAOAG CITY - Takot at humahagulhol ang isang ginang nang dumulog sa tanggapan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) para ireklamo ang anak na barangay tanod na umano’y nanampal at tumadyak sa kanya sa Barangay Pila, Laoag City.

Ayon sa report, nag-away ang mag-ina sa nasirang bakod hanggang sampalin at tadyakan umano ni Arsenio Corpuz, tanod sa Bgy. Pila, ang sariling ina.

Idinulog na ng DSWD sa pulisya ang kaso.
National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20