Patay ang isang hindi pa nakikilalang lalaki na tumalon mula sa ibabaw ng McArthur Bridge at bumagsak sa sementadong kalsada sa Lawton, Intramuros, Manila kahapon ng madaling araw.

Dead on the spot ang biktimang inilarawang nasa edad 30-35 anyos, may taas na 5’2”, nakasuot ng striped na t-shirt na may naka-imprentang PEN-386-B, asul na jersey pants, at nakayapak.

Batay sa imbestigasyon ni PO3 Marlon San Pedro, ng Manila Police District-Homicide Section, dakong 3:00 ng madaling araw nang makarinig ng kalabog mula sa kanyang likuran si Raymundo Morales Jr., empleyado ng Manila City Hall. Paglingon ay nakita niya ang biktima na duguan at nakadapa sa sementadong kalsada sa southbound lane ng Padre Burgos St. sa Lawton, tapat ng Metropolitan Theater.
Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?