Sugatan ang apat na pulis sa Quezon City nang salpukin ng rumaragasang pampasaherong bus ang kanilang patrol car sa EDSA, Quezon City bago ang madaling araw kahapon.

Kinilala ang mga nasugatang pulis na sina PO1 Christopher Bermejo,34, may-asawa; PO3 Carlito Seneres, 53, may-asawa; PO3 Reynaldo Sarmiento, 46, may-asawa at PO3 Rolando DE Guzman,36,may-asawa, pawang mga miyembro ng Quezon City Police District Station 1 Laloma.

Sumuko naman ang suspek na si Marciano SArito, 54, driver ng Dela Rosa Bus (UYE-973) at sinampahan na ng kasong reckless imprudence resulting in multiple physical injuries.

Ayon kay PO2 Antonio Tabios ng Quezon City District Traffic Enforcement Unit Traffic Sector 1, naganap ang insidente sa EDSA southbound sa harap ng Global Market, Balintawak, Bgy. Apolonio Samson, Quezon City dakong 12:00 ng hatinggabi.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

Nagpapatrulya ang mga biktima sakay ng QC police mobile patrol 146 nang bigla silang salpukin ng pampasaherong bus na minamaneho ng suspek. Agad na isinugod ang mga pulis sa Chinese General Hospital at nilapatan ng paunang lunas.

Hinihinalang nakatulog ang driver ng bus dahilan para masalpok nito ang mobile ng mga pulis.