Manny Pacquiao

Umaasa ang Bureau of Internal Revenue (BIR) na makakokolekta ng income tax mula sa huling laban ng world boxing champion at kongresistang si Manny Pacquiao, na idinepensa kamakailan ang kanyang WBO welterweight title sa Macau—dahil ang lugar ay isang tax-free haven.

“Whatever tax savings the Saranggani congressman got from Macau bout will be included in his taxable income,” sinabi kahapon ng isang mataas na opisyal ng BIR.

Tinaya ng opisyal, na tumangging pangalanan, ang tax remittance ni Pacquiao sa P200 milyon mula sa $20 million na kinita ng kongresista, bukod pa sa kikitain mula sa pay-per-view, na tinatayang aabot sa mahigit P1 bilyon.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Ibinatay ng opisyal ang taya nito sa kinita ni Pacquiao gamit ang 40 porsiyentong optional standard deduction, o ang itemized schedule at isinailalim ang net taxable income sa pinakamalaking 32 porsiyentong income tax bracket.

Ang nasabing tax ceiling ay ipinatutupad sa mga ang taunang net taxable income ay nasa P500,000 pataas.

Paliwanag ng opisyal, ang Macau ay isa sa mga special administrative region ng China na katulad ng ating special economic zone na ang mga negosyo sa ilang partikular na lugar ay pinagkakalooban ng preferential tax treatment upang makahikayat ng mga dayuhang mamumuhunan.

Aniya, posibleng kumolekta lang ang Macau ng kakaunting license at permit fees mula sa mga organizer ng laban.

Batay sa mga record, nagbayad si Pacquiao sa BIR ng mahigit P32 milyon sa VAT para sa mga taong 2008 at 2009 dahil sa pag-endorso ng 14 na produkto. (Jun Ramirez)