Ang pagbisita ni Pope Francis sa Pilipinas na may temang “Mercy and Compassion” ay muling magbubuklod-buklod sa mga Pilipino sa isang misa at pagdarasal na pangungunahan ng papa sa Luneta-Quirino Grand Stand sa Enero 18, 2015.

Ang papal visit sa Enero 15 hanggang 19, 2015 ay naglalayong i-comfort ang mga mamamayan ng Visayas na lubhang sinalanta ng bagyo at lindol.

Kasabay nito, muling nanawagan ang brodkaster na si Rene Tachangco ng Radyo ng Bayan kay pangulong Aquino na ideklara ang isang araw sa papal visit bilang National Day of Prayer.

“Noong Enero 20, 2014, pinangunahan ng pangulo ang mga lider relihiyon na magdasal ng sabay-sabay sa Malacañang at naging epektibo na ilayo ang bansa sa mapaminsalang kalamidad at sakuna,”ani Tachangco.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho