Hiniling ng dalawang whistleblower sa P5-bilyon anomalya sa National Agri-Business Corporation (Nabcor) kay acting Health Secretary Janette Garin na maghain siya ng leave of absence habang nahaharap sa imbestigasyon ng Department of Justice (DoJ).

Sinabi ni Levi Baligod, abogado ng mga whistleblower na sina Rhodora Mendoza at Victor Cacal, na dapat na magpakita si Garin ng kahit konting “delicadeza” sa publiko sa pagbabakasyon muna habang iniimbestigahan pa ng National Bureau of Investigation (NBI) ang pagkakasangkot nito sa umano’y paglulustay ng pondo ng binuwag na Nabcor.

Ayon sa abogado, dapat sundan ni Garin ang yapak ni Department of Health (DoH) Secretary Enrique Ona na naghain ng leave of absence bunsod ng imbestigasyon sa kuwestiyonableng pagbili ng bakuna ng DoH noong 2012.

Kasalukuyang nahaharap si Garin sa imbestigasyon dahil sa umano’y pagtanggap ng P1 milyon mula sa Ginintuang Masaganang Ani (GMA) program bilang pondo sa kanyang kampanya noong 2007 noong siya ay kongresista pa ng Iloilo.

National

SP Chiz, dinepensahan mga umano'y 'blank items' sa GAA: 'Kasinungalingan iyon'

Iginiit ni Baligod na may handwritten note mula kay dating Nabcor President Alan Javellana bilang patunay sa alegasyon laban kay Garin.