FERGUSON, Mo. (AP) — Nagbitiw ang pulis sa Ferguson na bumaril at nakapatay kay Michael Brown, sinabi ng kanyang abogado noong Sabado, halos apat buwan matapos ang komprontasyon ng puting opisyal sa hindi armadong itim na 18-anyos na pinagmulan ng mga protesta sa St. Louis suburb at sa buong nasyon.

Ang resignation ni Darren Wilson ay kaagad na nagkabisa, ayon kay Atty. Neil Bruntrager. Si Wilson ay nasa administrative leave simula ng pamamaril noong Agosto 9, na nagbunsod ng ilang araw na bayolenteng protesta.

Sinabi ni Wilson sa St. Louis Post-Dispatch na sarili niyang kagustuhan ang pagbaba sa puwesto matapos sabihin ng police department sa kanya na nakatatanggap ito ng mga banta ng karahasan kapag nanatili siya sa puwesto.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho