Ipatutupad ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) simula ngayong Lunes ang tatlong-buwan na pagbabawal sa pangingisda ng sardinas sa East Sulu Sea, Basilan Strait at Sibuguey Bay upang bigyang-daan ang pagpaparami ng mga ito.

Layunin ng fishing ban sa maprotektahan ang Zamboanga Peninsula, partikular ang conservation area na nasa 22,260.36 square kilometers na saklaw ang karagatan ng Zamboanga del Norte, hangganan ng katimugan at silangang Zamboanga City at katimugang bahagi ng Zamboanga Sibugay.

Sa buong panahon ng ban, na tatagal hanggang Marso 1, 2015, ay ipagbabawal ng BFAR ang pagpatay o paghuli ng sardinas sa conservation area, gayundin ang pagbebenta o pag-iingat ng nasabing isda mula sa conservation area.

Ang Zamboanga Peninsula ay may 454 na bangkang pangisda na naghahango ng sardinas.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Kabilang sa mga sardinas ang tamban-tuloy, tuloy, tunsoy at haul-haul, tamban-kasig, kasig, tamban-lapad, tabagak, laolao, tunsoy, iiryan, tamban-yapad, tulis, balantiyog at hilos-hilos. - Ellalyn B. De Vera