Nananatiling masaya ang taong may kakayahang makakita ng mabuti sa mga negatibong situwasyon. Kaya nga sila kontento sa kanilang trabaho, mas marami silang kaibigan, at hindi nila hinahayaang maapektuhan ng kaunting ulan ang kanilang matiwasay na pamumuhay. Maganda kasi ang kanilang pananaw sa buhay. Kanino pa ba magsisimula ang kasiyahan?

  • Magsisimula sa iyo ang kasiyahan. – Gusto mo ba ng kasiyahan sa iyong opisina, o sa iyong trabaho, o sa iyong tahanan, o sa planetang ito? Simulan mo. Simulan mo sa iyong pananaw sa buhay at ang mga hadlang na kasama nito. Kapag hinanap mo ang kasiyahan, makakikita ka ng kasihayan. At dahil taglay mo ang kasiyahan, maaakit mo ang mas maraming kabutihang dulot niyon. At sino pa ba ang aayaw sa isang lugar na puno ng masasayang kasama?
  • Magbago ka. Kung ikaw ang tipong “nagsusuot ng sobrang madilim na shades at nagsisikap na maghanap ng liwanag sa labas ng bintana”, talagang mahihirapan kang baguhin ang iyong pag-isip, ngunit magagawa iyon sa pagbabago ng iyong habits.
  • National

    Halaga ng piso, inaasahang hihina sa bagong record-low kontra dolyar

  • May mangyayari pang maganda. - Makahahanap ka ng mabubuting bagay sa kahit pa puno ng negativity ang iyong paligid at iwasan mo ring maghanap ng masisisi sa isang kapalpakan. Namemohan ka ng boss mo sa isang kapalpakan hindi lang ikaw ang sangkot? Ano ba ang kabutihan niyon? Mas malapit ka na sa tagumpay dahil may natutuhan ka sa iyong pagkakamali.
  • Purihin mo ang nagsisikap. – Kapag pinuri mo ang iyong kasama sa kanyang pagsisikap na gumawa ng tama at kagila-gilalas, nagbubukas ka ng pinto para sa tagumpay mo at ng kanya. Sabihin ko kung gaano siya kagaling. Ibigay mo ang pagkakataong makaramdam sila ng kasiyahan sa kanilang sarili sapagkat mararamdaman mo rin iyon.

Ang kasiyahan ay isang pildoras na ikaw lamang ang lulunok. Ikaw lamang ang makapagtatanim ng kasiyahan sa iyong isip na magpapahintulot sa iyong makakita ng kabutihan sa negatibong situwasyon. May kakayahan ka nga na mamuhay nang masaya.