Korina Sanchez

PANSAMANTALANG hindi mapapanood sa TV Patrol si Ms. Korina Sanchez simula sa Enero hanggang Marso 2015.

Walang isyu o gusot na nangyari kay Koring kundi nag-file siya ng temporary leave of absence sa ABS-CBN sa lahat ng news work dahil kailangan niyang mag-concentrate sa pag-aaral at biyahe niya sa ibang bansa.

Kasalukuyang nag-aaral si Korina ng Master of Arts in Journalism sa Ateneo de Manila University at nag-apply din siya ng simultaneous course sa London School of Economics kaya kailangan niyang bumiyahe sa Europe.

National

65% ng mga Pinoy, umaasang magiging masaya ang Pasko

Paliwanag ni Koring, “I’ve talked about this with network management since middle of last year. The bosses were all for it. My advanced studies have taken the backseat for too long and if I don’t do this now, I may never. Kaya nga pinagsasabay sabay ko na. It’s not easy but I’m optimistic I can do this.”

Kinumpirma ng business manager ni Korina na si Girlie Rodis na nag-file sila ng leave of absence para sa katapusan ng taong ito pero baka mapaaga pa ito, depende sa travel plans ni Koring para sa pagbabakasyon sa Pasko.

“I encouraged Korina to do this because education is important at any stage of one’s life. And she’s been planning this for so long. I’m happy she finally decided to take this seriously,” say ni Ms. Girlie.

Maging ang ABS-CBN news head na si Ging Reyes ay inaming natanggap niya ang leave of absence request ni Korina.

“Yes it is a leave of absence of three months which management has granted to Korina. The company values higher education, as it is always a plus among our ranks. Many in our stable have also taken leaves of absence to pursue further studies. When they come back, there is always better output. We wish Korina the best of the experience,” say naman ni Ms Jing.

Habang on leave si Sanchez sa kanyang daily live newscast, ipagpapatuloy pa rin niya ang weekly magazine program na Rated K at ang kanyang occasional, award-winning interview show na Up Close and Personal sa ANC.

Babalik din si Korina para sa news coverage ng pagbisita ni Pope Francis sa bansa ngayong Enero 2015. Maraming taon nang kinokober ng anchorwoman ang Vatican at sinundan at tinutukan niya ang papacy ni Pope Francis simula nang maupo ito sa pagka-Santo Papa.