Wala nang buhay sa pagkakahandusay ilang metro ang layo mula sa kanyang resthouse ang isang konsehal ng Tanza, Cavite dahil sa mga tama ng bala sa ulo at katawan nang matagpuan kahapon ng umaga.

Sa impormasyon na tinanggap ni Cavite Police Provincial Office Director Senior Supt. Jonnel Estomo, dakong 6:00 ng umaga nang matagpuan ang duguang bangkay ni Wilfredo Nuñes, 56, may asawa, residente ng Barangay Daang Amaya 2 at konsehal ng Tanza, Cavite.

Ayon sa imbestigasyon, dakong 8:00 ng gabi noong Biyernes nang huling nakitang buhay ang konsehal sa kanyang resthouse sa Chatue Subdivision sa Bgy. Julugan 8.

Pero umaga na nang madiskubre ang bangkay niya na may mga tama ng bala sa ulo at katawan.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Sinisiyasat na ng awtoridad ang motibo sa krimen, habang inaalam ang pagkakakilanlan ng mga suspek para agad na madakip ang mga ito.