Kris and friends

EXCITED talaga si Kris Aquino sa pagbubukas ng kanyang unang Chow King franchise kasosyo si Dominic Hernandez sa Alimall Cubao, Quezon City kahapon dahil bago pa man mag-alas diyes ng umaga ay dumating na siya para personal na i-check ang kabuuan ng kanyang restaurant.

Hindi kasi na-supervise ni Kris ang construction ng nasabing fastfood chain dahil abala siya sa shooting ng Feng Shui 2 with Coco Martin at Cherie Pie Picache mula sa Star Cinema at Kris Aquino Productions sa direksiyon ni Chito Roño.

“Nakakanerbiyos kasi ang laki ng in-invest namin, pero nakaka-excite rin kasi nu’ng tinour ko sa loob, ang ganda, state of the art na talaga, kasi prototype ng bago nilang kitchen ang ibinigay,” simulang kuwento ng Queen of All Media.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

“Yung mga order makikita mo computerized pagpasok, and then ang ganda nu’ng mga wok, induction na, naaliw ako, ang ganda, gusto kong magkaroon ng ganu’n sa bahay ko, walk-in chiller at freezer, ang saya, ang laki.

“’Tapos ‘pag pumasok ka, malalaman mo kung ano ‘yung mga supplier, dami kong na-discover. Even the banyo natuwa ako kasi ang linis at handicap-friendly and they will maintain it kasi kinulit ko sila.”

“Thirty days lang ito ginawa kaya talagang mabilisan and this is 110 seating capacity,” kuwento naman ng partner ni Kris na si Dominic. “Sabi ko nga kay Kris, sinabayan ko ang shooting niya kasi ako nandirito every night para personal na ma-check ‘yung ginagawa.”

Naawa nga kami kay Dominic dahil halatang ngarag. Bukod kasi sa inaasikaso niya ang Chow King resto nila ni Kris ay inaasikaso rin niya ang kasal nila ng longtime girlfriend niya sa December 20, “Kaya sobrang pressure talaga ako,” pag-amin ni Dom.

Generation 6 ang tawag sa bagong disenyo ng Chow King nina Kris at Dom, pawang hi-end technology na ang gamit nila sa kusina kumpara sa mga lumang branch na manual pa ‘yung iba.

“Like ‘yung mga soup namin, usually, di ba, nila-ladle pa, ngayon naka-dispenser na para mas mabilis, so standard ‘yung temperature, mainit parati. Dati kasi kapag ladle may natatapon pa.

“’Tapos ‘yung siopao cabinet wala na sa labas, ipinasok na sa loob kasi usually, ‘yung cashier naabala kapag nag-aabot siya ng siopao at pagbalot, so nababawasan ‘yung oras niyang mag-transact. So lahat ng nakakaabala sa counter ipinasok na sa kitchen para ang trabaho lang sa counter, order and take-out lang sa customer,” kuwento ni Dominic.

Ang minimum sales na dapat matamo ng Chow King Alimall sa isang araw ay P108,000 para sa loob ng apat na taon at kalahati ay may return of investment na, sabi mismo ni Kris.

“’Yun ang minimum, boundary, ang projection nila ay four and a half years, kasi you have the franchise for ten years so sana ‘yung four and a half, makuha in four (years) lang.

“And in the planning process na ‘yung next franchise namin, meron nang nahanap somewhere, pero next year na kasi kaka-invest ko lang din sa Feng Shui.

“’Pag bumalik na ‘yung pera (investment sa Feng Shui) after Holy Week naman ‘yun normally, so puwede na ulit akong maglabas ng pera. Kaya nakakaloka, in November I have two investments,” kuwento pa ni Kris.

Magiging hands-on si Kris sa bago niyang negosyo.

“I’ll be here (Alimall) once a week or more, depende kasi since bago na ang mall hours. Sabi ko kay Boy (Abunda), daan kami dito after A&A (Aquino & Abunda) for midnight snack at nag-oo naman siya.”

Kasama ni Kris sa opening ng Chow King kahapon ang prayer group friends niyang sina Ray Lanada, designer JC Buendia, Biñan City Mayor Len Alonte, at Lubao, Pampanga Mayor Mylene Pineda na talagang kinulit niyang mag-buena mano.

Ang nakakatawa, si Kris ang nagsabi sa dalawang mayora kung ano ang oorderin nila na feeling namin ay ’yung pinakamahal… para raw malaki kaagad ang benta.

“Tama, pinilit ko silang bumili, ha-ha-ha. Walang libre dito,” tumatawang sabi ng TV host/actress.

Samantala nagtanong naman kami sa staff and crew ng Chow King Alimall kung ano naman ang masasabi nila na sina Dominic at Kris ang kanilang boss at halos iisa ang sabi, “Ang ganda-ganda po pala ni Ma’am Kris, ang puti, overwhelmed at excited kami pero nakaka-pressure,” sabay tawa nilang lahat.

Tinanong din namin ang manager ng nasabing branch na si Lloyd Galura na siyam na taon na palang naglilingkod sa Chow King at nag-umpisa siya bilang service crew sa dating Remar Theater branch hanggang sa na-promote.

“Siyempre sobrang privileged po kami kasi Ms. Kris Aquino po ang boss namin, pero nevertheless lahat po ng franchise owners namin ay pare-pareho naman ang tingin namin sa kanila, so any franchisee na nakikipag-transact sa Chow King ay we treat them fairly.

“So, if they want to build their businesses, of course we help them as their restaurant manager and the rest of the team.

“And since ang franchisee namin ay si Ms. Kris Aquino ay sobrang overwhelming po talaga. Nandoon po ‘yung kaba pero nandoon din po ‘yung excitement na ang taas kasi (ng expectation) at siyempre ‘yung mga bata (staff) ay tuwang-tuwa rin at mas lalo silang ginaganahan na magtrabaho kasi brand ambassadress namin si Ms. Kris Aquino.

“We have 36 staff all in all to provide good service for every customer, talagang ang Chow King ay masasabing soaring high,” say ng branch manager nina Kris at Dominic.