ROSARIO, Batangas - Patay ang isang elementary school head teacher matapos siyang pagbabarilin sa Rosario, Batangas noong Huwebes.

Dead on arrival sa Maderazo Hospital si Macario Perez, ng Gregorio Sison Memorial Elementary School, sa Bgy. Munting Tubig, Ibaan.

Ayon sa report ng Batangas Police Provincial Office (BPPO), bandang 3:30 ng hapon nang barilin si Perez sa Bgy. Poblacion A sa Rosario.

Sakay sa motorsiklo ay tumakas ang mga suspek patungong Padre Garcia.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Inaalam pa ng mga awtoridad ang motibo sa krimen.