Duguan ang nguso at mukha ng isang traffic enforcer ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) matapos suntukin at sagasaan ng isang driver ng mamahaling Masserati sports car nakaladkad pa ng minamaneho nitong kotse sa Quezon Avenue sa Quezon City kahapon ng umaga.

Isinigod si Traffic Constable Jorby Adriatico sa East Avenue Medical Center (EAMC) at nilapatan ng paunang lunas.

Base sa report ng Traffic Sector 4, dakong 8:00 ng umaga nang maganap ang insidente sa may Queson Avenue, Quezon City.

Sa pahayag sa pulisya ng kasama ni Adriatico na si Rodolfo Fernandez, namataan nila sa Araneta Ave. ang asul na Masserati Marshall na walang plaka at tinangkang kumaliwa sa intersection ng Quezon Ave. patungong EDSA.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Kinunan ng video ni Adriatico ang motorista na umano’y ikinagalit ng hindi nakilalang driver nito na dumiretso na lamang sa U-turn slot.

Subalit nang kumakanan sa Quezon Ave., ay huminto ang Maserati at tinawag si Adriatico ng suspek. At nang lumapit si Adriatico sa sport car, bigla na lamang siyang pinagsasapak sa mukha ng hindi nakilalang driver.

Sa puntong nakipagbuno ang biktima at pinaandar naman ng driver ang minamanehong sport car at nakaladkad si Adriatico hanggang sa may Scout Chuatoco St.