Tumaas ng halos 24 porsyento ang pondo ng Autonomous Region of Muslim Mindanao (ARMM) kasabay ng transition period nito para magbigaydaan sa Bangsamoro Basic Law (BBL).

Ayon kay Senate Finance Chairman Sen. Francis Escudero, ang P24 bilyon pondo ng ARMM ay sapat para sa rehabilitasyon at konstruksyon ng mga kalsada at patubig na aabot sa P10,642 bilyon ang ibinigay sa regional government ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Ang P8.106 bilyon nito ay inilaan sa patubig, P768.816 milyon para sa mga pantalan, tulay, at parola, habang ang P670 milyon ay para sa flood control, P12.394 bilyon para sa administrative operations, pasahod at budget ng mga regional agencies, legislative assemblies, at sa tanggapan ng gobernador at bise gobernador.

Inilaan naman ang P11.906 bilyon o 48.9 porsiyento ng pondo sa kalusugan o Health, Education, Livelihood, Peace and Synergy (HELPS).

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Habang ang ARMM BRIDGE (Bangsamoro Regional Inclusive Development for Sustainable Growth with Equity), ay nabigyan ng P120 milyon na siyang tututok sa transition period ng Autonomous Regional Government (ARG).

“Out of the 57.4 million Capital Outlay for BRIDGE, P50.4 million will be distributed to Tuburan, Basilan; Tagoloan, Lanao del Sur; Pandag, Maguindanao; Panglima, Sulu; and Sibutu, Tawi-tawi, each getting P10.080 million for their Community Based Infrastructure,” paliwanag ni Escudero.

Nabawasan naman ang budget ng Payapa at Masaganang Pamayanan Program (PAMANA) na nasa P655.502 milyon na lamang mula sa P2.660 bilyon noong 2014.