Inaprubahan ng Sandiganbayan Fifth Division ang petisyon ni dating Makati City Mayor Elenita Binay na makabiyahe sa Japan sa Disyembre 18 hanggang 23, 2014 upang magbakasyon.
Sinabi ni Atty. Ma. Theresa Pabulayan, clerk of court, na inaprubahan ni Fifth Division Chairman Roland Jurado ang mosyon ng maybahay ni Vice President Jejomar Binay matapos itong humingi ng permiso sa korte.
Ito ay sa kabila ng pagtutol ng prosekusyon na kumokontra sa mosion ni Mrs. Binay sa pagdinig kahapon.
Samantala, tatalakayin ngayon ng Sandiganbayan Fourth Division ang hiwalay na mosyon ni Mrs. Binay na makabiyahe sa Japan.
Si Mrs. Binay ay kasalukuyang nahaharap sa kasong graft sa dalawa ng sangay ng Sandiganbayan dahil sa umano’y overpricing ng P107 milyong halaga ng office equipment na binili nang walang public bidding o minanipula ang proseso noong 1999 hanggang 2000.
Habang nasa Tokyo, pansamantalang mananatili si Mrs. Binay sa Shanri-La Hotel.