ANG Informal Senior Officials’ Meeting (ISOM) ay isang major event ng asia Pacific Economic Cooperation (aPEC) na magtatakda ng tono ng buong 2015 Summit.

Ang Albay, na napili dahil sa “vitality and dynamism in development” nito, ang magiging punong abala sa mahigit sampung pagpupulong ng aPEC na inaasahang magpapasigla lalo sa lumalagong industriya ng turismo ng naturang lalawigan. Dadalo sa naturang event ang mahigit 1,000 top offical mula sa 21 miyembrong ekonomiya ng APEC. Tiniyak ni Albay Gov. Joey Salceda ang kanilang kahandaang tanggapin ang APEC officials.

Turismo ang isa sa pangunahing industriyang makikinabang mula sa regional developments na ito. ang ASEAN Integration ay inaasahang mag-uudyok sa pagpapaigting ng turismo sa mga bansa sa rehiyon. Sa isang forum sa Clark, Pampanga, sinabi ng mga tourism official na magpapatupad ang ASEAN member contries ng isang standard tourism program sa ilalim ng kanilang integration set-up na magpapahintulot sa mga turista na maglakbay nang may kakaunting restriksiyon.

“In our case, we will relax restrictions to make it easier for people to move around,” paliwanag ni Tourism asst. Secretary Benito Bengzon.

National

Ilang araw bago ang New Year: Bilang ng mga naputukan, pumalo na sa 69

Bukod sa enhanced tourism flow, ang ASEAN integration ang magbibigay-daan para sa mas malayang kalakalan pati na ang pamumuhunan, capital at skilled labor sa loob ng rehiyon, upang lumikha ng highly competitive single market na magtataguyod ng patas na kaunlaran sa ekonomiya.

Binigyang-diin niya rin na ang tourism at community development ay magkatuwang sa pagtulong sa pagtatatag ng mas mainam na kalidad ng pamumuhay para sa mga mamamayan.