Nasolo ng defending men’s champion National University ang liderato matapos maiposte ang ikalawang sunod na panalo habang nabigo naman ang dating co-leader at finalist noong nakaraang season na Ateneo sa pagpapatuloy kahapon ng UAAP Season 77 volleyball tournament sa Fil-Oil Flying V Arena sa San Juan City.

Ginapi ng Bulldogs, sa pangunguna ni Reuben Inaudito, ang Far Easstern University, 25-17, 25-23, 18-25, 25-13 habang na-upset naman ng Adamson University ang  Blue Eagles sa pamumuno ni Michael Sudaria, 20-25, 27-25, 25-20, 25-15.

Nagposte si Inaudito ng 14 puntos kabilang dito ang 13 hits habang nag-ambag naman ng 12 hits ang baguhang si Ismail Fauzi at 11 puntos naman ang beteranong si Peter Den Mar Torres para pangunahan ang nasabing panalo ng Bulldogs na nag-angat sa kanila sa solong pamumuno.

Nabalewala naman ang game-high 16 puntos ni Greg Dolor na kinabibilangan ng 12 hits at 3 blocks dahil nalaglag ang Tamaraws sa ikalawang sunod nitong kabiguan.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Umiskor naman ng 19 puntos si Sudaria na kinapapalooban ng 16 na hits at isang ace habang nagdagdag si Jerome Sarmiento ng 11 puntos para sa Falcons na nakabalikwas mula sa natamong straight sets na pagkabigo sa kamay ng NU sa una nilang laban.

Nauwi din sa wala ang game-high 20 puntos ng reigning MVP na si Mark Expejo na kinabibilangan ng 16 na hist at 4 blocks gayundin ang 13 puntos na galling kay Joshua Villanueva dahil bumagsak ang Blue Eagles sa una nilang pagkabigo matapos maipanalo ang unang laro kontra Tamaraws.

Bagamat sa service aces lamang umangat ang Falcons, 5-0 sa Blue Eagles, nakabawi sila sa pamamagitan ng naitalang 38 won points sa errors na ginawa ng Blue Eagles.