Nakatingin ang mga nagpoprotesta sa kanilang sinunog na kotse sa Ferguson, Missouri, USA,  noong  Nobyembre 25, 2014. Patuloy ang mga  protesta sa  buong Amerika matapos magdesisyon ang  Grand Jury na huwag kasuhan si Police Officer Darren Wilson sa pamamaril at pagpatay sa  binatilyong si Michael Brown sa St .Louis, County noong  Agosto 2014. (EPA/TANNEN MAURY)

FERGUSON, Mo. (AP) — Nagbalik ang mga demonstrador sa mga lansangan ng Ferguson na naging saksi ng mga nagdaang kaguluhan noong Martes, isang araw matapos pasukin ng mga nagpoprotesta ang mga lokal na negosyo at sinunog ang mga gusali sa gabi ng matinding galit sa desisyon ng grand jury na huwag kasuhan ang puting police officer na pumatay sa itim na binatilyong si Michael Brown.

Daan-daang karagdagang National Guard ang rumesponde para tulungan ang pulisya, sa huling demonstrasyon na nagdulot ng kaguluhan at pagkasira ng mga ari-arian matapos ang anunsiyo noong Lunes ng gabi. Gumagamit pa rin ang mga opisyal ng tear gas at pepper spray, habang pinagsusunog ng mga nagpoprotesta ang mga squad car at binasag ang bintana sa City Hall.

Samantala, binasag ni officer Darren Wilson ang matagal na pananahimik sa publiko, iginiit sa pambansang telebisyon na hindi niya maiiwasan ang nangyari sa komprontasyon kay Brown.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

Matapos ang nasaksihang karahasan noong Lunes, nagpadala si Missouri governor Jay Nixon ng malaking contingent ng tropa ng National Guard, iniutos na dagdagan ang naunang puwersa ng 700 at gawing 2,200 upang makatulong sa pagpapanatili ng kaayusan sa St. Louis suburb.

“Lives and property must be protected,” ani Nixon. “This community deserves to have peace.”