Inabisuhan ng Quezon City government ang mga motorista na paghandaan ang inaasahang pagsisikip ng trapiko sa siyudad bunsod ng pagsasara ng ilang pangunahing lansangan mula 12:00 ng tanghali sa Nobyembre 29 hanggang 12:00 ng hating gabi ng susunod na araw upang bigyangdaan ang Quezon City International Marathon (QCIM) Night Run.

Sinabi ni Elmo San Diego, hepe ng QC Department of Public Order and Safety (DPOS), na isasara sa mga motorista ang inner lane ng westbound at eastbound direction ng Quezon Avenue mula Sto. Domingo Church patungong Elliptical Road.

Sa mga oras na iyon, hindi rin papayagang makadaan ang mga sasakyan sa inner lane ng westbound at eastbound direction ng Commonwealth Avenue— mula Elliptical Road hanggang Puregold Supermarket, pagkalampas ng Tandang Sora flyover.

Inabisuhan din ni Councilor Victor Ferrer Jr. ang mga motorista na planuhin muna ang kanilang biyahe bago ang marathon event kung dadaan sa mga nabanggit na lansangan upang hindi maipit sa trapiko.

National

5.9-magnitude na lindol, yumanig sa Southern Leyte; Aftershocks at pinsala, asahan!

Samantala, sinabi ni Mayor Herbert Bautista na magbibigay ng 50 porsiyentong diskuwento ang pamahalaang lungsod sa mga kawani ng siyudad na magpaparehistro sa QCIM.

Ang discounted rate para sa mga empleyado ng siyudad ay P325 para sa three-kilometer race route; P375 sa 5km route; at P425 sa 10km route.

Wala aniyang diskuwento para sa mga sasabak sa 21km race route.

Inaasahang aabot sa 9,000 professional at amateur runner ang makikibahagi sa QCIM night run na, ayon sa mga organizer, ay magmimistulang malaking party dahil sa iba’t ibang gimik na kanilang inihanda.