BATANGAS CITY - Hindi nakalusot sa mga jail guard ang isang dalagitang estudyante na nagtangkang magpuslit ng ilang sachet ng ilegal na droga sa Batangas Provincial Jail sa Batangas City.

Sa saging pa umano itinago ng 16-anyos na babae ang apat na sachet na may hinihinalang shabu, at nakapaloob din sa prutas ang dalawang sachet na may aluminum foil.

Ayon sa report ni PO1 Norwin Ilustre, nagsasagawa ng routine check-up sa mga dalaw ang mga jailguard dakong 10:30 ng umaga noong Nobyembre 23 nang masakote ang suspek.

Dinala sa kostudiya ng Department of Social Welfare and Development ang suspek.
National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20