OSLO (Reuters)— Ilan sa mga epekto ng climate change sa hinaharap, gaya ng mas matitinding init at pagtaas ng lebel ng dagat, ay hindi matatakasan kahit na magiging maagap pa ang mga gobyerno sa pagbawas sa greenhouse gas emissions, sinabi ng World Bank noong Linggo.

Ang mga nagdaan at hinuhulaang emission mula sa mga power plant, pabrika at sasakyan ay dadalhin ang mundo sa daan patungo sa karaniwang pagtaas ng temperatura na halos 1.5 degrees Celsius (2.7 Fahrenheit) na mas mataas sa panahon bago ang industriyalisasyon pagsapit ng 2050, ayon dito.

“This means that climate change impacts such as extreme heat events may now be simply unavoidable,” sabi ni World Bank President Jim Yong Kim sa isang telephone news conference sa ulat na pinamagatang “Turn down the Heat, Confronting the New Climate Normal.” The findings are alarming.”

Patuloy na tataas ang lebel ng dagat dahil sa pagkatunaw ng malawak na ice sheets sa Greenland at Antarctica. Kapag napanatili ang temperatura sa kasalukuyang antas, tataas ang dagat ng 2.3 metro (7 ft 6 in) sa susunod na 2,000 taon, ayon sa ulat.
National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3