GABI ng ABS-CBN ang katatapos na PMPC 28th Star Awards for Television na ginanap sa Solaire Resort and Casino last Sunday night. Ang Kapamilya Network ang tinanghal na Best Station of the Year at halos lahat ng major categories ay nakopo ng Dos.
Hindi rin nasayang ang puyat, pagod at mga pagsisikap ng Dreamscape Production ni Sir Deo Endrinal dahil ang kanilang Ikaw Lamang serye na for the first time sa history ng television ay nakakuha ng pinakamaraming nominasyon at siya ring nag-uwi ng pinakamaraming tropeo.
Tinanghal na Best Drama Series ang Ikaw Lamang at ang mga bidang sina Coco Martin and Kim Chiu ang nagwaging Best Drama Actor and Actress.
Sina John Estrada at KC Concepcion ng Ikaw Lamang din ang nagwaging Best Supporting Actor and Actress pero ang mga tinalo na pinakamahigpit nilang nakalaban ay pawang co-stars din nila sa nasabing serye.
Sa kategoryang Best Single Performance by an Actress naman ay tinalo ng first time nominee sa acting award na si Sunshine Cruz sina Nora Aunor, Maricel Soriano, Gina Pareño, Irma Adlawan at Janice de Belen. Halos mapaiyak si Sunshine sa pagkakapanalo niya na inialay niya sa kanyang tatlong anak na mag’isa niyang itinataguyod ngayon.
Ang Kapamilya talent pa rin na si Arjo Atayde ang nagwagi bilang Best Single Performance by an Actor dahil sa kanyang ipinakitang galing sa Maalaala Mo Kaya (MMK rin ang nagpanalo kay Sunshine) at ka-tie ng actor si Jose Manalo na first time ding nagkaroon ng best actor award.
Tumanggap naman ng malakas na hiyaw mula sa audience ang Kapamilya love team nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla nang tanghaling “Power Love Team” na kaloob naman ng Kapusong si German “Kuya Germs” Moreno.
Ang Kapamilya pa ring sina Lyca Gairando at Manolo Pedrosa ang tumanggap ng “Best New Female and Male Personality”. At ang Honesto star na si Raikko Mateo ang wagi bilang Best Child Performer.
Narito ang list of winners sa PMPC 28th Star Awards for TV:
Best TV Station ABS-CBN
Best Drama Actor: Coco Martin (Ikaw Lamang/ABS-CBN)
Best Drama Actress: Kim Chiu (Ikaw Lamang/ABS-CBN)
Best Drama Supporting Actor: John Estrada (Ikaw Lamang/ABS-CBN)
Best Drama Supporting Actress: KC Concepcion (Ikaw Lamang/ABS-CBN)
Best Single Performance by an Actor: Arjo Atayde
Best Single Performance by an Actress: Sunshine Cruz
Best Daytime Drama Series: Be Careful With My Heart
Best Primetime Show: Ikaw Lamang
Best Drama Anthology: Magpakailanman
Best Variety Show: It’s Showtime (ABS-CBN)
Best Musical Variety Show: ASAP
Best Male TV Host: Vice Ganda
Best Female TV Host: Toni Gonzaga
Best Celebrity Talk Show: Gandang Gabi Vice (ABS-CBN)
Best Celebrity Talk Show Host: Vice Ganda (ABS-CBN)
Best Showbiz-Oriented Talk Show: The Buzz (ABS-CBN)
Best Male Showbiz-Oriented Talk Show Host: Ricky Lo
Best Female Showbiz-Oriented Talk Show Host: Toni Gonzaga
Best Talent Search Host: Celebrity Dance Battle (TV5)
Best Talent Show Host: Alex Gonzaga and Luis Manzano of The Voice Kids (ABS-CBN)
Best New Female Personality: Lyca Gairando for Maalaala Mo Kaya (ABS-CBN)
Best New Male Personality: Manolo Pedrosa for Maalaala Mo Kaya (ABS-CBN)
Best Child Performer: Raikko Mateo (Honesto)
Best Reality Show: It Takes Gutz to be a Gutierrez
Best Reality Show Host: Toni Gonzaga, Bianca Gonzales, Robi Domingo for Pinoy Big Brother All In
Best Public Affairs Program: Bottomline with Boy Abunda (ABS-CBN)
Best News Program: State of the Nation (GMA News TV)
Best Male Newscaster: Erwin Tulfo (TV5)
Best Female Newscaster: Jessica Soho
Best Public Affairs Program Host: Boy Abunda (ABS-CBN)
Best Public Service Program: T3 (TV5)
Best Public Service Program Host: Vicky Morales for Wish Ko Lang (GMA-7)
Best Game Show: Celebrity Bluff (GMA-7)
Best Game Show Host: Judy Ann Santos for Bet On Your Baby (ABS-CBN)
Best Documentary Special: Yolanda
Best Documentary Program: I-Witness (GMA-7)
Best Documentary Program Host: I-Witness (GMA-7)
Best Comedy Show: Home Sweetie Home (ABS-CBN)
Best Gag Show: Goin’ Bulilit (ABS-CBN)
Best Comedy Actor: Sef Cadayona (GMA-7)
Best Comedy Actress: Rufa Mae Quinto (GMA-7)
Best Morning Show: Umagang Kay Ganda (ABS-CBN)
Best Morning Show Host: Umagang Kay Ganda (ABS-CBN)
Best Youth-Oriented Show: LUV U (ABS-CBN)
Best Lifestyle Show: Gandang Ricky Reyes
Best Lifestyle Show Host: Kris Aquino (ABS-CBN)
Best Magazine Show: iJuander (GMA News TV)
Best Magazine Show Host: iJuander (GMA News TV)
Best Travel Show: Biyahe ni Drew (GMA News TV)
Best Travel Show Host: Aga Muhlach for Pinoy Explorer (TV5)
Best Educational Show: Born To Be Wild (GMA-7) / Matanglawin (ABS-CBN)
Best Educational Show Host: Kim Atienza for Matanglawin (ABS-CBN)
Best Children Show: Tropang Potchi (GMA-7)
Best Children Show Host: Tropang Potchi (GMA-7)
SPECIAL AWARDS
Hall of Fame Award: Bubble Gang
Excellence In Broadcasting Lifetime Achievement Award: Mike Enriquez
Ading Fernando Lifetime Achievement Award: Nova Villa
Power Love Team Award: Kathryn Bernardo and Daniel Padilla
Male Star of the Night: Iñigo Pascual
Female Star of the Night: Nadine Lustre