Binawi ng mga operator at concessionaire ng South Luzon Expressway (SLEX) at Southern Tagalog Arterial Road (STAR) Toll ang kanilang mga petisyon para magdagdag ng singil sa toll fee simula sa Enero 1, 2015.

Nagdesisyon ang South Luzon Tollway Corp./Manila Toll Expressway Systems, Inc. (SLTC-MATES) at STAR Infrastructure Development Corp. (SIDC) na suspendihin ang kanilang hinahangad na dagdag-singil, ayon sa Toll Regulatory Board (TRB).

“Tinanggap ng TRB mula sa SLTC-MATES ang motion for leave at mula naman sa SIDC at ang motion to suspend ang kanilang mga petisyon para sa toll rate hike na inihain nila noong Setyembre 30,” sabi ni TRB Spokesperson Julius Corpuz. “Dahil sa mga mosyong ito, sususpendihin na rin ang anumang aksiyon sa nasabing mga petisyon.”

Matatandaang hiniling ng SLTC-MATES ang permiso ng gobyerno na magtaas ng 33 porsiyento sa toll rates sa SLEX habang umaapela naman ang SIDC ng 16 na porsiyentong dagdag-singil sa CamiaSTAR Toll.

National

PH History, ibabalik na bilang subject sa high school?

Bukod sa SLEX at STAR Toll, hinihiling din ng mga operator ng North Luzon Expressway (NLEX) at Manila-Cavite Toll Expressway (Cavitex) na payagan ng gobyerno ang pagpapatupad nila ng double-digit toll hike sa susunod na taon.

Ayon kay Corpuz, ang SLTC-MATES at SIDC ay “reviewing and verifying their respective petitions” kaya binawi ang mga ito. - Kris Bayos