TOKYO (AP) – Isang malakas na lindol ang tumama sa bulubunduking lugar ng Japan, winasak ang halos 10 tahanan sa isang bayan at 20 katao ang nasugatan dahil sa pagyanig noong Sabado ng gabi, ayon sa mga opisyal.

Naramdaman ang 6.8 magnitude na lindol malapit sa lungsod ng Nagano pasado 10:00 ng gabi (1300 GMT) at may lalim na 10 kilometro (6 miles), ayon sa Japan Meteorological Agency.

Sinukat ng U.S. Geological Survey ang lakas ng lindol sa 6.2, at dahil tumama sa lupa, walang inasahang tsunami.

Sinabi ng National Police Agency sa Japan Kyodo news agency na halos 22 katao ang nasugatan, tatlo ang malubha, sa lungsod ng Nagano at sa iba pang lugar.
Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente