Nilinaw ni Justice Secretary Leila de Lima na walang pagbabawal sa sinumang testigo ng pamahalaan na bumiyahe sa harap ng ulat ng pagpunta ni dating Makati vice mayor Ernesto Mercado sa Amerika.

Paliwanag ni de Lima, bagama’t hindi sila pabor, hindi naman nila maaaring pigilan ang sinumang nasa ilalim ng Witness Protection Program (WPP) na bumiyahe lalo na kung ito ay kinakailangang gawin.

Iginiit ni de Lima na hindi sila jailer ng mga testigo kaya hindi maaaring pigilan o pagbawalan ang pagbiyahe ng mga tesitgo.

Gayunman, tumanggi si de Lima na kumpirmahin o itanggi ang report na nagpaalam sa kanya si Mercado sa pagbiyahe sa United States sa katwirang confidential ang naturang impormasyon.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

Sa isang panayam, sinabi ni Mercado na nagpaalam siya sa Department of Justice (DoJ), Office of the Ombudsman at Senado hinggil sa pagtungo niya sa Amerika.

Samantala, wala pa namang impormasyon mula sa Senado kung kailangan nila muling pahaharapin si Mercado kaugnay ng mga alegasyon ng katiwalian laban kay Vice President Jejomar Binay.