Malapit nang matamo ni Pangulong Noynoy Aquino ang kanyang hangarin na magka-emergency powers upang malunasan ang nagbabantang power shortage sa tag-init ng 2015. Pinagtibay na ng House committee on energy ang magkasanib na resolusyon na ang layunin ay pagkalooban siya ng gayong kapangyarihan. Bumoto ng pabor sa resolusyon ang 18 kongresista samantalang isa ang kumontra at isa ang nag-abstain.

Inaasahang apat hanggang anim na milyong Pinoy ang dadalo sa misa na pangungunahan ni Pope Francis sa Rizal Park sa Enero, 2015. Sa bilang na ito, hindi pa kasama ang libu-libo o milyun-milyong Katoliko at mananampalataya na mag-uusyoso at lilinya sa mga lansangan na daraanan ng papal motorcade. Sinabi ni Ambassador Marciano Paynor, miyembro ng Papal visit central committee, na inaasahan nilang mapupuno ang mga kalye o lansangan sa paligid ng Rizal Park.

Determinado ang Sandiganbayan na kumpiskahin ang siyam na painting paintings ni dating First Lady at ngayon ay Ilocos Norte Rep. Imelda R. Marcos, na naka-adorno sa tanggapan niya sa Mababang Kapulungan. Ang siyam na painting ay kabilang sa 24 obra na saklaw ng writ of attachment na inisyu ng Sandiganbayan noong Setyembre 29. Nabawi na ng Presidential Commission on Good Government (PCGG) ang 15 painting mula sa tahanan ng pamilya Marcos sa San Juan City.

Maghihintay pa raw ang mga Pilipino ng lima hanggang 10 taon bago nila maramdaman ang mga biyaya ng long-term economic growth dahil sa napakataas na high birth o malimit na pagsisilang ng mga sanggol sa Pilipinas. Talaga yatang kailangan nang mapigil ang patuloy na panganganak.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Naging kontrobersiyal ang ginawang pagdalaw nina AFP chief of staff Gen. Gregorio Pio Catapang at acting Health Secretary Janet Garin sa mga sundalong naka-quarantine sa Caballo Island upang maiwasan ang ebola virus. Sila ay galing sa Liberia, isa sa mga bansang pinagmulan ng ebola. Ano kaya ang layunin nina Catapang at Garin sa pagdalaw sa 133 kawal gayong sadyang hiniwalay nga sila roon upang ma-quarantine sa loob ng 21 araw para matesting kung sila ay apektado ng ebola virus.