Inihayag ni International Olympic Committee (IOC) President Thomas Bach ang pagkakaroon ng 40 proposal na bubuo sa Olympic Agenda 2020, isang strategic roadmap para sa kinabukasan ng Olympic Movement na nakatakdang pagdiskusyunan at pagbotohan ng buong IOC membership sa 127th IOC Session sa Disyembre 8-9 sa Monaco.

Sa isinagawang paglulunsad sa publiko ng mga rekomendasyon sa The Olympic Museum sa Lausanne, tinawag ni Bach ang 20+20 proposal bilang “the culmination of a year of open, transparent and widespread debate and discussion, which had already begun in mid-2013.”

“These 40 recommendations are like pieces of a jigsaw puzzle,” sabi niya. “When you put them together, a picture emerges that shows the IOC safeguarding the uniqueness of the Olympic Games and strengthening sport in society.”

Unang iprinisinta ng IOC president ang rekomendasyon sa round table ng mga atleta, na marami ang aktibong tumulong para maproseso ang Olympic Agenda 2020. Dumalo sa diskusyon ang ilang medal-winning Olympians.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Ilan sa mga pangunahing pagtutuunan ng pansin, base sa rekomendasyon ang: (1) Changes to the bidding process, (2) Reducing costs for bidding, (3) Move from a sport-based to an event-based programme, (4) Strengthen the 6th Fundamental Principle of Olympism ( 5) Launch of an Olympic TV Channel (6) Adapting and further strengthening the principles of good governance and ethics to changing demands.

Isa rin sa naging punto ng diskusyon ang “Create limits on accreditation for athletes, coaches and other athlete support staff to ensure that the Games do not grow bigger. Allowing more than 28 sports to be on the programme while respecting these limits.”