JC De Vera

LABIS ang pasasalamat si JC de Vera sa sunud-sunod na proyektong ibinibigay ng ABS-CBN sa kanya. Ginagawa niya ngayon ang Never Say Goodbye with his new leading lady, si Jessy Mendiola.

Ayon sa aktor, tiyak na mali-link sila ni Jessy sa isa’t isa lalo na’t hindi naman niya itinatago na nagagandahan siya sa dalaga.

“Sobrang gandang-ganda ako sa feature ng face niya, very pretty, parang manika talaga. So ‘pag tiningnan ako, hindi ako makatingin, eh. Hindi ko pa kaya, she’s very attractive,” napapangiting banggit ng aktor.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Hindi madiretsong banggitin sa amin ni JC ang tunay na naramdaman niya kay Jessy Mendiola.

“Conscious pa ako pero hindi ko pa alam kung crush nga itong matatawag pero very conscious pa ako,” sey niya.

Zero ang lovelife ngayon ni JC na ang sabi ay wrong timing pa para pasukin muli ang pakikipagrelasyon.

“May ibang priorities na dumarating. Merong mga bagay na dapat munang unahin sa ngayon. Kasi ngayon lang ako nag-start na maging independent,” sey ng aktor.

Ipinagmamalaki ni JC na namumuhay na siyang mag-isa.

“Nagbi-business na rin ako ng sarili ko. So maraming bagong ventures sa buhay ko, so hindi pa sa ngayon. Pero hindi ako nagsasara ng doors para doon. Kasi hindi mo naman alam, love ‘yun, di ba?” nakangiting banggit pa ng guwapong aktor.

Samantala, bukod kina Jessy at JC ay mga bida rin sa teleseryeng Never Say Goodbye sina Dawn Zulueta at Richard Gomez na ayon sa aktor ay malaking karangalan para sa kanya na makasama sa teleserye.