Ni JENNY F. MANONGDO

Ang unang bakuna laban sa dengue sa mundo ay maaaring maging available sa kalagitnaan ng 2015.

Inihayag ng isang international healthcare products provider na nagde-develop sa bakuna ang tagumpay ng mga clinical trial na isinagawa sa Latin America ngayong malapit nang matapos ang ikatlong bahagi ng pagtiyak na epektibo ang bakuna.

Sa isang pahayag sa media, sinabi ng Sanofi Pasteur na ang pagiging epektibo ng dengue vaccine clinical study ay may 60.8 porsiyentong resulta sa symptomatic dengue sa edad siyam hanggang 16 na tumanggap ng tatlong dose ng bakuna.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“Analyses show a 95.5 percent protection against severe dengue and an 80.3 percent reduction in the risk of hospitalization during the study. The results of this second phase III efficacy study confirm the high efficacy against severe dengue and the reduction in hospitalization observed during the 25-month active surveillance period of the first phase III efficacy study conducted in Asia highlighting the consistency of the results across the world,” ayon sa mga opisyal ng Sanofi Pasteur, idinagdag na ang nasabing bakuna ay tiyak na tutugon sa “urgent unmet medical need” sa maiinit na bansa, na karaniwan na ang dengue.

Ang resulta ng ikalawang bahagi ng efficacy clinical study ay inilathala sa New England Journal of Medicine.

Dulot ng kagat ng lamok, nakaaapekto ang dengue sa mahigit 2.5 bilyong katao sa mundo o mahigit 40 porsiyento ng populasyon ng mundo, ayon sa World Health Organization (WHO).

Tinaya ng WHO na may 50-100 milyon ang dinadapuan ng dengue sa mundo bawat taon.