Himas-rehas ngayon ang 25 anyos na ginang makaraang tangkain nitong dukutin ang isang tatlong taong gulang na babae sa Caloocan City kamakalawa.

Ayon kay Senior Supt. Bartolome Bustamante, hepe ng Caloocan Police, kasong attempted kidnapping ang isinampang kaso laban kay Mary Grace Arizala, naninirahan sa No. 52 Bonanza Parang, Barangay Fortune, Marikina City.

Kuwento ni PO1 Frauline L. Senten ng Women’s and Children Protection Desk ( WCPD), bandang 12:00 tanghali nang bumibili ng ice cream ang bibiktimahing paslit na si “April”, kasama ang ate nitong si Loida, 8, sa Magdalena Street, Barangay 163, Sta. Queteria, Caloocan City.

Hinawakan umano sa kamay ni Arizala ang batang si April at saka kinarga, pero nakita ito ni Loida at pinigil.

Eleksyon

'Half-human, half-zombie' 'Rastaman', kakandidato bilang senador; pabor sa e-sabong

Sa tagpong ito, dumating ang ina ng bata na si Elma at nasaksihan ng bata na si Elma at nasaksihan ang pangyayari kung kaya mabilis na humingi ng tulong sa mga barangay tanod na nagresulta sa pagkakaaresto ng suspek.

Sa panayam ng Balita sa suspek, nagpakita ito ng senyales na may problema siya sa pag-iisip dahil sa iba’t ibang sagot sa tanong ng media na paniniwalaang isang taktika ng suspek upang makaiwas sa asunto.