BERLIN (AP) — Apat na human rights groups ang naglabas ng isang tool na nagpapahintulot sa users na alamin kung ang kanilang computer ay nahawaan ng surveillance software.

Sinabi ng Amnesty International na ang tool na inilabas noong Huwebes, tinatawag na Detekt, ay dinisenyo para sa mga right activist at mamamahayag ngunit magiging available na sa mga nangangamba na ang kanilang computer ay ginagamit para sila ay subaybayan.

Sinabi ng developer na si Claudio Guarnieri, security researcher sa Germany, na ang Detekt sa kasalukuyan ay kayang hanapin ang walong iba’t ibang spy software, kabilang na ang FinSpy.

Ang FinSpy, gawa ng German company na FinFisher, ay ipinagbibili sa mga gobyerno para sa criminal investigations.
National

Super Typhoon Ofel, napanatili ang lakas habang nasa northeast ng Echague, Isabela