Ni MAR T. SUPNAD

MARIVELES, Bataan – Ginahasa muna bago brutal na pinatay ang 14-anyos na babaeng estudyante ng Grade 9 na dinukot noong Huwebes—isang krimeng gumimbal sa payapang bayan ng Mariveles.

Matapos dukutin si Danielle Ferreria, 14, estudyante ng A. G. Llamas High School at residente ng Barangay Poblacion, ay nanghingi pa ang suspek ng P500,000 sa pamilya ng biktima para sa pagpapalaya rito, kaya sa umpisa ay itinuring na kidnap for ransom ang kaso.

Ito ang unang beses na nangyari ang ganitong insidente sa Mariveles, ang tahanan ng Freeport Area of Bataan, na libu-libo, karamihan ay babae, ang nagtatrabaho.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

Bagamat tukoy na ang pagkakakilanlan ng suspek, hindi muna ito kinilala ng pulisya at pinaigting na ng pulisya ang pagtugis dito, sa pangunguna ni Mariveles Police chief Supt. Raynold Rosero.

Gayunman, itinanggi ni Rosero na kidnapping ang kaso dahil hindi naman umano mayaman ang pamilya ng biktima.

“Nag-alok muna kami ng P50,000 na paunang bayad pero tinanggihan ng suspek, kaya hindi ito kidnap for ransom,” ani Rosero.

Sinabi ni Rosero na dakong 9:00 ng umaga noong Nobyembre 19 nang matanggap ng pulisya ang report tungkol sa umano’y pagdukot kay Ferreria makaraang tumawag sa telepono at manghingi ng P500,000 ang suspek, hanggang sa matagpuan kinabukasan ang bangkay ng dalagita sa Balon Anito.

Pinaniniwalaang seksuwal na inabuso ang biktima.