CAMILING, Tarlac - Nagbabala kahapon ang pulisya sa ilang residente sa bayang ito tungkol sa isang tao na gumagamit ng mabagsik na kemikal para mapasunod sa kanyang nais ang pagnanakawan, gaya ng huling nabiktikma niya sa isang fast food restaurant sa Quezon Avenue sa Camiling, Tarlac.

Sa ulat ni PO3 Michell Bacallo, hindi pa nakikilala ang bumiktima sa isang 17-anyos na babaeng 2nd year college student at residente ng Camiling, na natangayan ng isang Samsung Galaxy V cell phone.

Sa salaysay ng biktima, naglalakad siya sa ikalawang palapag ng Camiling Public Market nang lapitan siya ng isang lalaki na nagkunwaring nagsa-survey sa mga cell phone user.

Sa kanilang pag-uusap sa loob ng isang fast food restaurant habang nagpifill up ng form ang dalagita ay naglabas ang suspek ng kemikal hanggang mahilo ang biktima at kusang ibigay sa suspek ang kanyang cell phone.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho