SANTA IGNACIA, Tarlac— Himas-rehas ngayon ang isang pekeng NBI agent na nangikil sa isang 43-anyos na negosyante sa Barangay San Vicente, Santa Ignacia, Tarlac kamakalawa ng umaga.

Sa report ni PO3 Edgar Esteban, investigator-on-case, inaresto si Ruben Aboy, 42, tubong Barangay Bigbiga, Mayantoc, Tarlac at naninirahan sa Lacayanga Subdivision, Poblacion Sur, Paniqui, Tarlac.

Napag-alaman na unang hiningan ng suspek ng P3,500 ang biktimang si Arlene Vigare na sinundan ng P2,500 hanggang sa magreklamo na ang biktima sa pulisya.

Ayon kay Vigare, inalok siya ng suspek na tutulungan siya sa paghahanap sa paghahanap kay Joven Dele Cruz na idinemanda niya sa kasong pagnanakaw.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Dahil sa pagpapanggap bilang NBI agent ay nakumbinsi nang husto ang biktima at nagbigay ng pera. Leandro Alborote