Nash and Alexa

HUWAG nang magtaka ang parents kung bakit excited umuwi ang kanilang mga anak galing eskuwela.

May bago silang inaabangan at sinusubaybayan sa telebisyon.

Tinututukan ng young audience at maging ng young once din ang Bagito na pinagbibidahan nina Nash Aguas, Alexa Ilacad at Ella Cruz.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Nakita agad ang mainit na pagtanggap sa unang episode pa lang ng Bagito na ayon sa viewership measurement survey ng Kantar Media noong Lunes (Nobyembre 17) ay nag-rehistro sa national TV rating ng 27.2%, mahigit na doble sa nakuha ng Coffee Prince (11.3%) na katapat nito sa GMA-7.

Napakataas ng ratings na ito kung ikukumpara sa mga nakaraang ratings na naitatala sa naturang timeslot.

Kitang-kita rin ang pamamayagpag ng Bagito sa social networking sites tulad ng Twitter, naging hot topic ng netizens ang serye at naging worldwide trending topic pa ang official hashtag ng programa na #Bagito1stCrush. Naging nationwide trending topic naman si Ella Cruz.

Ella Cruz

Hindi katakata-taka kung bakit nagugustuhan ng young viewers ang Bagito, na ayon kay Nash ay pinaniniwalaan niyang magiging malaking tulong para mailayo sa maling landas ang mga kahenerasyon nila.

“Ginawa po namin itong Bagito para maturuan at maging mulat ang mga bata at magulang sa mga totoong nangyayari sa mga kabataan ngayon,” ani Nash na gumaganap sa serye bilang si Andrew o Drew.

“Dapat pong abangan ng viewers ang mga pagdadaanan ni Drew, dahil ituturo po ng Bagito sa buong pamilya, lalo na po sa mga kaedad namin, ang mga maaring mangyari kapag nakagawa ka ng isang pagkakamali,” dagdag ni Alexa.

So far, tuluy-tuloy ang de-kalidad na mga teleseryeng ginagawa ng Dreamscape sa ilalim ni Deo Endrinal. Asahan na rin natin na lalo pang magniningning ang bituin nina Nash Aguas, Alexa Ilacad at Ella Cruz dahil sa Bagito.