James Reid

HOT topic ng netizens ngayon ang post sa Facebook ng babaeng nagngangalang Wendolyn Chiu tungkol sa “affair” nila ni James Reid at siya ay, “Kilig much!!! ha, ha, ha, ha”.

Nagkatotoo ang early warning nang lumitaw sa social media ang tungkol sa naturang post na siguradong hindi ito magugustuhan ng fans ng love team nina James Reid at Nadine Lustre.

Nag-post din kasi ang girl ng screen shot ng chat nila ng sumisikat na aktor.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

“I’m at Iloilo airport flying back now then I have 5 am calltime for taping tom,” saad sa mensahe ni James na sinagot naman ng dalaga ng, “Too bad, ha, ha, ha.”

Mensahe pa ni James, “I’m taking off now, so I should turn off my phone right ms flight attendant? He he (smiling face).” Sinagot ito ni Wendolyn ng, “Yes safe flight, Mr. Reid ha, ha, ha.”

Nag-post din si Wendolyn ng litrato nila ni James na may nakalagay na caption na, “The untold story ha, ha.”

Tambak ang bashers ngayon ng bagong babae sa buhay ni James Reid. May mga kumukuwestiyon kung may consent ba ng aktor na isapubliko niya ang palitan nila ng text na dapat ay pribadong bagay.

Nang ipagtanong namin sa showbiz kung kilala ba nila itong Wendolyn Chiu, ang sagot ng mga pinagtanungan namin, “Ate ni Kim Chiu ‘yun.”

Sa madaling sabi, future brother-in-law ni Kim si James Reid, ha-ha.

Chinky eyes beauty pala ang type ni James Reid. Tsinita rin kasi ang ex-girlfriend niyang si Ericka Villongco na kasama nina Iñigo Pascual, Sofia Andres at Julian Estrada sa pelikulang Relaks, It’s Just Pag-ibig ng Spring Films.

Kaya siguro malabong magustuhan ni James ang ka-love team niyang si Nadine Ilustre dahil almond eyes ang dalaga.