Pasisinayaan sa Biyernes ng mga lokal na opisyal ang bagong tayong Navotas City public hospital na ipinagawa sa administrasyon ni Mayor John Rey Tiangco.

Ang tatlong palapag na Navotas City Hospital ay may 50-bed capacity; 9 na departamento – ang Internal Medicine, Pediatrics, Obstetrics and Gynecology, Surgery, Emergency, Out Patients, Anesthesiology, Pathology and Radiology; at 1 unit: Eye Clinic.

Ang pagpapatayo sa Navotas City Hospital sa Barangay San Jose, ay pinondohan ng local government at ng donasyon mula sa non-goverment organization.

National

Pagtakbo ni VP Sara sa 2028, hindi para magserbisyo sa mga Pilipino!—Makabayan Bloc