Patay ang tatlo katao habang dalawa ang sugatan nang sumalpok ang kanilang sinasakyang pickup sa 6x6 truck sa Barangay Magsaysay, Naguilian, Isabela, kahapon ng madaling araw.

Nakilala ng Naguilian Municipal Police Station ang mga namatay na sina Maryjane Sales, Jessie Crisostomo at Roden Crisostomo.

Kabilang sa mga sugatan ang dalawang kasamahan na sina Eduardo Sales at Junifer Edrada, residente ng Cabisera Dos, San Antonino, Ilagan City.

Kinilala naman ng pulisya naman ang driver ng 6x6 truck na si Jed Bagauisan, 29, ng Barangay Cadsalan, San Mariano, Isabela.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Sa imbestigayon, dakong 1:00 ng madaling habang tinatahak ng dalawang sasakyan ang north bound lane ng national highway at sa bilis ng pagpapatakbo ng driver ng isang Nissan Navarra ay bumangga ito ang hulihan bahagi ng truck sanhi nang kamatayan ng tatlong pasahero ng pickup at pagkakasugat ng dalawang iba pa.

Sa ngayon sinisiyasat ng pulisya ang kaso at nakatakdang sampahan ng kaso ng driver ng truck ng reckless imprudence resulting to homicide ang multiple injuries.