LISBON (AFP)— Walo na ang namatay sa outbreak ng Legionnaire’s disease sa Portugal, inihayag ng mga opisyal noong Linggo.

Ang huling biktima ang pangalawang babae na namatay sa sakit simula nang lumutang ang unang kaso noong Nobyembre 7.

Sinabi ng Portugese government na ang outbreak ay posibleng dulot ng bacteria mula sa refrigeration system ng isang fertiliser factory sa Vila Franca de Xira, halos 30 kilometro sa hilaga ng Lisbon. May 317 katao na ang kinapitan nito.

Hindi nakakahawa ang sakit at hindi rin direktang naikakalat ng tao, ngunit maaaring dumami sa tubig at mga air conditioning system, kabilang na ang mga humidifier, whirlpool at spa. Ito ay kadalasang nakukuha sa paglanghap ng kontaminadong tubig.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Batanes

Sinabi ng WHO na ang outbreak ay isang “major public health emergency” noong nakaraang linggo at tinawag ito ng Portugese government na ikatlong pinakamalaki sa kasaysayan ng sakit.

Ang Legionnaire’s disease ay nadiskubre sa United States noong 1976 matapos ang pagtitipon ng American Legion, isang grupo ng mga beteranong militar, nang 29 katao ang namatay.