Aabot sa limang milyong Katoliko ang inaasahang dadagsa sa Luneta Park upang saksihan ang Misa ni Pope Francis sa pagbisita nito sa bansa sa Enero, 2015.
Ayon kay Fr. Emmanuel “Nono” Alfonso SJ, ganito karami ang dumalo sa World Youth Day noong 1995 nang bumisita si Saint John Paul II.
Ang misa sa Luneta ang huli sa tatlong misa na pangungunahan ni Pope Francis sa bansa sa Enero 15 hanggang 19, 2015.
Inaasahan naman ang dalawang milyong makikinig sa Misa niya sa Leyte. Kabilang sa aktibidad ng Papa sa lalawigan ay ang misa sa Tacloban Airport at pananghalian kasama ang ‘Yolanda’ survivors sa Archbishop’s Residence sa Palo.