Noong dekada 60 hanggang 80, ang iniidolo ng mga aktibistang Pilipino ay ang China at si Mao Tse Tung. Humihiyaw sila sa mga lansangan at tinutuligsa ang diktaduryang Marcos na marahil ay tama at naaangkop lamang. Iniidolo rin nila noon si Professor Jose Ma. Sison o Joma at si Kumander Dante o Bernabe Buscayno ng Capas, Tarlac.

Ngayon ang idolong China ay isa nang kapitalista, expansionist at imperialistic na patuloy sa pagkamkam sa mga teritoryo sa West Philippine Sea na humahahanga sa ideolohiyang komunista.

Maging si Joma Sison at dating NDF spokesman Satur Ocampo ay asiwa na sa China at binabatikos ang dambuhalang nasyon dahil sa pagiging kapitalista nito. Bukod kay Mao Tse Tung, iniidolo rin ng kabataang aktibista noon si Che Guevarra at si Fidel Castro.

Batid kaya nila na ang komunismo ay hindi nararapat sa Pilipinas tulad ng China na isang godless ideology? Alam kaya nila na ang sitwasyon, temperamento at environment sa Cuba ay kakaiba sa temperamento at paniniwala ng mga Pinoy?

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Hindi puwedeng angkatin ang isang ideolohiya. May sariling kakayahan ang bawat bansa. Tayo ay naniniwala sa Diyos samantalang ang mga komunista ay walang paniniwala sa Maykapal at maging sa relihiyon.

Naniniwala silang ang relihiyon ay isang “opium” lamang na nakaka-addict sa mga mamamayan. Na ang mga tao ay nililinlang lang ng mga pari at ipinaaasa sa langit na hindi naman malaman kung totoo nga.

Sa anu’t anuman, naniniwala ang kolumnistang ito na kailanman ay hindi mananaig ang komunismo sa Pilipinas. Ang ating bansa ay pinamamayanan ng mga Katoliko at ang ideolohiyang walang paniniwala sa Diyos, ay garantisadong walang puwang sa bawat puso ng Pinoy!