TOKYO (AP) — Bumagal ang ekonomiya ng Japan mula Hulyo hanggang Setyembre ayon sa preliminary data na inilabas noong Lunes, ibinalik ang bansa sa recession at pinasama ang kinabukasan ng pagbangon ng ekonomiya ng mundo.
Ang 1.6 porsiyentong pagbaba sa annual growth para sa ikatlong pinakamalaking ekonomiya sa mundo ay mas mababa kaysa inaasahan. Itinataas nito ang posibilidad na ipagpapaliban ni Prime Minister Shinzo Abe ang implementasyon ng dagdag na sales tax na nakaplano para sa Oktubre 2015.