PHOTO-ISABELLE-DAZA-copy

FROM ABS-CBN ay Kapuso talent na si Iya Villania, na sinunod daw ang payo ng asawang si Drew Arellano na very loyal na talent ng GMA Network.

Natatawa na lang, na hindi namin mawari ang pakahulugan, ng kausap naming ABS-CBN insider nang tanungin kami kung may magagawa pa raw ba kaya ang GMA-7 kay Iya na wala naman daw ginawa kundi ang laging bumuntot kay Drew, huh!

Nawala bigla ang tawa at ayaw magkomento ang kausap namin sa isyung lilipat na sa GMA-7 ang alaga nilang si John Prats. Napilitang banggit niya, kung sa palagay daw ni John ay higit na makakatulong sa career niya ang paglipat sa Siyete ay wala naman silang magagawa.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Kung may mga nawawala sa kuwadra ng Dos, marami naman daw ang sunud-sunod na maglilipatan sa kanila. After Jolina Magdangal and Marvin Agustin, may kilalang Kapuso actor and actress din daw na susunod. These past few days, nakikitang madalas sa bakuran ng Dos ang nasabing Kapuso actor and actress.

Isa rin sa tiyak na lilipat sa ABS-CBN ang anak ni Gloria Diaz na si Isabelle Daza. Ilang taon din namang naging Kapuso si Isabelle pero hanggang ngayon ay hindi man lamang umaangat ang career.

Bukod sa hosting sa Eat Bulaga at sa Taste Buddies ay walang maganda-gandang project na naibigay sa kanya ang Siyete. Sa totoo lang, mas napansin pa nga si Isabelle sa pelikulang It Takes a Man and a Woman ng Star Cinema kaysa mga ibinigay na projects sa kanya ng GMA.

Nasa ABS-CBN na rin si Maxene Magalona at napasama agad sa bagong light drama series na Dream Dad.

Ano nga ba ang dahilan at naglilipatan ang mga alaga ng Siyete?

“At least ang mga napupunta sa amin, ngayon, eh, may magagawa pa kami. Sana naman ang mga kinukuha rin nilang galing sa Dos ay mabigyan din nila ng atensiyon,” sey pa ng kausap namin.