balita-editorial-nov162014

Matapos ang 11 pagdinig sa umano’y overpricing ng isang gusali sa Makati City noong mayor pa si Vice President Jejomar Binay mahigit 20 taon na ang nakararaan, nagmungkahi si Pangulong Aquino noong isang araw na isaalang-alang ng Senado na ang pagsisiyasat nito “has matured to go into the more formal process”. Iminumungkahi ng Pangulo, sa madaling salita, na ang angkop na mga mekanismo para sa paglalapat ng pananagutan – ang Office of the Ombudsman at ang Department of Justice – ang siyang hahawak ngayon.

Ang reaksiyon ni Sen. Aquilino “Koko” Pimentel, chairman ng Senate Blue Ribbon subcommittee na nagsasagawa ng imbestigasyon, ay hindi inaasahan. Aniya hindi dapat makialam ang Pangulo sa imbestigasyon ng Senado. Ito ay magiging “bad precedent”, aniya, kung bibigay ang Senado sa mungkahi ng Pangulo.

Kailangang maunawaan ni Sen. Pimentel na matapos ang maraming pagdinig na lumawak mula sa Makati building hanggang sa mga birthday cake hanggang sa isang hacienda sa Batangas, natupad na ng mga senador ang kanilang mga tungkulin. Ang anumang pagpapahaba ng imbestigasyon, sa pananaw ng nakararami, ay “politically motivated” na.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Sinabi ni Secretary Heminio Coloma Jr. ng Presidential Communications Office na nagpapahayag lamang si Pangulong Aquino ng pananaw nito para sa angkop na mga ahensiya ng gobyerno na maaaring magpatuloy. Dinagdag ni Presidential spokesman Edwin Lacierda na hindi alangan ara sa Pangulo na himukin si Senate President Franklin Drilon na madaliin ang pagsisiyasat kay Binay upang matutukan nito ang iba pang alalahanin tulad ng 2015 national budget at ang Bangsamoro law.

Kahit na ang mga leader sa Kamara de Representantes sa pamumuno ni Speaker Feliciano Belmonte Jr. ay may palagay na ang ang Senate probe ay mistulang naging “mapanira”. Isang kongresista ang nagsabi na nagiging “fishing expedition” ito. Sa Senado mismo, inirekomenda ni Sen. Miriam Defensor Santiago na ang lahat ng kaso laban kay Vice President Binay ay i-turn over sa Ombudsman. Sinabi naman ni Acting Senate Minority Leader Vicente Sotto III na hindi niya masisisi ang mga nagsusulong na lusawin ang Senate Blue Ribbon Committee dahil sa kabiguan nitong magkaroon ng kahit isang committee report sa mga imbestigasyon nito.

Ang mga sumusuporta kay Sen. Pimentel sa paghahangad na ituloy ang imbestigasyon kay Binay ay sina Senate Majority Leader Alan Peter Cayetano at Sen. Antonio Trillanes IV. Nais nilang magpatuloy ang mga pagdinig hanggang Abril 2015. Magiging mahalaga na magpahayag ang iba pang miyembro ng Senado ng kani-kanilang pananaw sa bagay na ito.

Gayunman, nagpahayag na ang Pangulo ng kanyang saloobin na isasaalang-alang naman ng kanyang mga kaalyado sa Kongreso. “I’d like to think that we have responsible members in the Senate who are attending to their other functions beside this,” anang Pangulo.