Ni EDD K. USMAN

Nagkasundo ang mga rebeldeng grupong Muslim na pagsamahin ang 1996 Final Peace Agreement (FPA) at ang 2014 Comprehensive Agreement on the Bangsamoro (CAB).

Upang maipatupad ang pagsasama, isusumite ng Moro National Liberation Front (MNLF) ang inputs nito sa panukalang Bangsamoro Basic Law (BBL), na sumasailalim sa public hearing sa dalawang kapulungan sa Kongreso.

Sa 41st Session ng Council of Foreign Ministers (CFM) ng Organization of Islamic Cooperation (OIC) noong Hunyo 18-19, 2014 sa Jeddah, Saudi Arabia, ay inisyu ng CFM ang Resolution No. 2/41-MM.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Ang OIC-CFM “Calls upon the GPH (Government of the Philippines) to work with both MILF (Moro Islamic Liberation Front) and MNLF to incorporate the most outstanding features of the 1976 Tripoli Agreement and the 1996 Jakarta Final Agreement into the Bangsamoro Basic Law governing the Bangsamoro Autonomous Region.”

Nabatid ito ng Balita mula sa isang mataas na opisyal ng MNLF na si Abdul Sahrin.

Aniya, nakipagpulong ang mga kinatawan ng iba’t ibang paksiyon ng MNLF sa MILF noong Nobyembre 12-13 sa ilalim ng pangangasiwa ng OIC, na may 57 estadong miyembro.

Sinabi ni Sahrin na sa tatlong resolusyon ng OIC ay nanawagan ito sa MILF at MNLF na magkaisa o pagsamahin ang kani-kanilang kasunduang pangkapayapaan sa gobyerno dahil pareho namang kapayapaan ang masiglang ekonomiya ng Mindanao ang kanilang hinahangaan para sa mga residente at teritoryong Bangsamoro.

Aniya, sa pagtatapos noong Nobyembre 13 ng ikalawang pulong Aquinong Bangsamoro Coordination Forum (BCF) ay lumagda ang mga kinatawan ng MNLF at MILF sa isang Joint Communique na nagbibigay-diin sa kasunduan ng mga ito.

Nilagdaan nina Randolph Parcasio, tagapagsalita ng Jeddah Formula (na nagtitipon sa bawat paksiyon ng MNLF), at Mohagher Iqbal ng MILF ang communiqué at saksi sa kanila si Ambassador Sayyed Kaseem El-Masry.