Zanjoe-at-Jana-Agoncillo_USE-THIS-copy-619x358

KAKAIBANG feel-good love story ang magdadagdag-kulay sa Primetime Bida ng ABS-CBN simula sa Lunes (Nobyembre 17) sa pag-ere ng latest family drama series na Dream Dad na pagbibidahan ni Zanjoe Marudo at Kapamilya child actress na si Jana Agoncillo.

Iikot ang kuwento ng Dream Dad sa dalawang pangunahing karakter - ang binatang si Baste (Zanjoe) na piniling unahin ang kapakanan ng kanyang pamilya upang malimot ang sakit na idinulot ng dating minamahal; at ang batang ulila na si Baby (Jana) na naghahanap ng pamilyang buong pusong tatanggap at magmamahal sa kanya.

Malalaman ng viewers kung ano ang maidudulot sa buhay nina Baste at Baby ng pagkukrus ng kanilang landas.

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary

Makakasama nina Zanjoe at Jana sa Dream Dad sina Maxene Magalona, Beauty Gonzales, Yen Santos, Ana Feleo, Katya Santos, Ketchup Eusebio, Ariel Ureta, at

Gloria Diaz, sa direksyon ni Jeffrey Jeturian.

Ang Dream Dad ay mula sa produksiyon ng grupong bumuo sa phenomenal morning kilig-serye na Be Careful With My Heart at top-rating primetime teleserye na Pure Love.

Huwag palampasin ang pagsisimula ng pinakabagong feel-good family drama series na magpapangiti sa puso ng viewers, Dream Dad ngayong Lunes na, bago mag-TV Patrol.